Abante Tonite Interactive

6 nadale sa bumagsak na crane sa Pasig

335

Sugatan ang anim na katao, kabilang ang mga construction worker at passer-by habang limang sasakyan naman ang nadamay nang aksidenteng mahagip ng bumagsak na crane bucket sa isang ginagawang building sa Ortigas, Pasig City, kahapon nang umaga.

Batay sa nakalap na report, naganap ang aksidente bandang alas-9:45 kahapon nang umaga sa isang construction site sa Ortigas.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Pasig Police kaugnay sa naganap na aksidente. (Vick Aquino)