Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 nadale sa salpukan

0 40

Anim katao kabilang ang dalawang menor de edad at dalawang senior citizen ang pawang isinugod sa ospital nang magsalpukan ang kanilang sasakyan sa Kawit, Cavite Lunes ng hapon.

Isinugod sa St Dominic Hospital sina Christopher Theodore Zabala, 58, government employee na driver ng isang Toyota Avanza (NCQ 9043) at mga sakay nitong sina Imelda Pedernal Dela Cruz, 62; isang 7-anyos (babae) at 10-anyos (lalaki) na kapwa taga-Kawit, Cavite habang sa Binakayan Hospital dinala sina Maria Lourdes Pontillas Aguilar, 45, driver ng Mitsubishi Mirage [NER 8919] at pasahero nitong si Juliana Pontillas Aguilar, 71, ng Quezon City.

Sa ulat ni Pat Troadio Balitaosan, ng Kawit Police Station, alas-5:10 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente.

Binabagtas ni Zabala ang Covelandia Road, Kawit, Cavite habang binabagtas ni Aguilar ang opposite direction patungo sa Bacoor City nang magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Nasira ang harapang bahagi ng kanilang sasakyan na ikinasugat ng mga biktima. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.