Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 nag-rally vs bakuna dinakma

0 196

Sinampahan ng rekla­mo sa piskalya ng Manila Police District (MPD) ang anim na inidbiduwal na nag-rally kontra COVID-19 bakuna nang walang suot o hindi maayos ang pag­susuot ng mga face mask.

Kinilala ang anim na raliyista na sinampahan ng mga kasong paglabag sa city ordinance at dis­obedience to a person in authority na sina Antonio Lorenzo Santillan, 29-anyos, ng Sta. Rosa City, La­guna; Reynaldo Valeros Jr., 55, tribal leader, at Sonia Valeros, 52, deputy tribal leader, kapwa ng Bacoor, Cavite; Albert Muyot, 64, ng Makati City; Chris­topher Samarita, 37, ng Meycauayan, Bulacan; at Dixie Anthony Parungao, 36, ng Parañaque City.

Ayon sa MPD, pinangunahan ng grupo ang rally ng nasa 150 katao laban sa pagbabakuna kontra COVID na ginanap sa Liwasang Bonifacio.

Iniharap ang anim sa Office of Assistant City Prosecutor at inaresto da­hil sa paglabag sa City Ordinance 8627, Ordi­nance 8800, paglabag sa Republic Act No. 11332, at Article 151 ng Revised Penal Code.

Leave A Reply

Your email address will not be published.