Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 nakuryente sa fluvial parade

0 93

Nagbuwis-buhay ang dalawa katao sa isinagawang fluvial parade sa Apalit, Pampanga ngayong Martes nang sumabit sa kawad ng kuryente ang isa sa mga bangka at nakuryente ang anim na sakay nito.

Sa report, nasa 2,000 bangka umano ang nakilahok sa nasabing aktibidad kung saan isa sa mga ito ay minalas na sumabit sa kawad ng kuryente.

“May mataas na flagpole, parang pinagsabitan ng flag, yung isang bangka natin na umabot doon sa gilid na nasa kuryente sila sa NGCP Grid line natin. Parang nalipat po yung kuryente dun sa bakal na lalagyan nung flag nila, eh yung mga tao basa din po, at yung pole diretso sa bangka basa sila lahat, yun po ang nag-cause ng pagkakuryente ng ating mga pasahero,” pahayag ni Lt. Col Jose Chalmar Gundaya ng Apalit police.

SM food to go Banner Ad

Agad na isinugod sa ospital ang anim na biktima ngunit dalawa sa mga ito ay dead on arrival na.

Ang fluvial parade ay parte ng ‘Libad Ilug’ ng Apung Iru na nagbalik matapos ang dalawang taon dahil sa COVID pandemic. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.