Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 nene sinagip sa KTV sex den

0 61

Pitong kabataan ang sinagip ng mga awtoridad nang salakayin ang isang KTV Bar na front diumano ng prostitusyon, habang dinakip ang operator at dalawang bugaw sa Barangay Sapang Putol, San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Col.Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan Police, anim sa mga kabataan ay kababaihan na ibinubugaw sa mga costumer habang ang isang 16-anyos na binatilyo ay nagsisilbi namang cashier ng prostitution den.

Alas-9:45 Miyerkoles ng gabi nang magsagawa ng rescue operation at pagsalakay sa TRS KTV na matatagpuan sa kahabaan ng Cagayan Valley road. Kinilala ang mga inarestong sina Enrique Salonga, operator; Bienvenido Del Rosario, at Clariza Florez, kapwa bugaw ng mga menor de edad ang inaresto ng awtoridad at pawang nahaharap sa kasong kriminal.

Dinala naman sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development ang mga menor de edad. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.