Abante Tonite Interactive

6 opisyal ng PNP kasabwat ng mga drug lord

By
1,621

Tinatayang anim na opisyal ng Philippine National Police (PNP), kabilang na ang dalawang tinanggal, ang diumano’y sangkot sa malawakang illegal drugs network sa bansa.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ang mga opisyal na ito ay nagtrabaho sa iba’t ibang anti-drug group ng PNP noong nagdaang administrasyon subalit kinuha pa rin sa binalasang PNP-Drug Enforcement Group na naatasang isakatuparan ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

“People being appointed and recruited into these organizations were the same personalities; creating pool of agents and personnel who are mostly corrupt and have already created networks with different drug lords across the country and abroad,” ayon sa source.

Ang isang natanggal sa opisyal ay minsang nasangkot sa pagbili ng 1,004 AK-47 noong 2011-2013 na napunta sa kamay ng mga New People’s Army (NPA).

Ang opisyal, nanilbihan sa Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF), ay tinanggal sa serbisyo dahil sa mga kinasangkutang anomalya. Itinuturing siyang senior officer ng PNP na ibinuhos ang kanyang career sa anti-narcotics operations.

“However, he also earns the reputation of amassing wealth by recycling the drugs that have been confiscated and even earning substantial amount of money through extortion from apprehended suspects namely Chinese nationals,” ayon pa sa impormante.

Idinagdag pa ng source na ang grupo ng sinipang opisyal ang siyang nasa likod ng pag-iimbento ng mga balita at pagtatanim ng ebidensiya, partikular na ang mga drogang nire-recycle sa iba’t ibang operasyon.

Sangkot din umano sa network ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at lima pang opisyal ng pulisya, kabilang na ang protégé ng isang sinipang police official na kilala sa komunidad sa bansag na ‘scorer’.

Ang grupo ng protégé ang nasa likod umano ng drug ope­ration sa Valenzuela noong Enero 12, 2016 kung saan 36 packs lamang mula sa kabuuang 55 packs ng nakumpiskang shabu ang kanilang idineklara. Ang mga inipit na droga ang siyang ginamit umano ng grupo sa mga scripted buy-bust operation sa Binondo, Maynila, gayundin sa Celadon Residence at sa Parañaque na kinasasangkutan ng isang Taiwanese drug runner na si Tseng Shien Ming.

Ang opisyal ng BOC ay itinuturing naman na ‘influential force’ sa bureau.

Naugnay ito sa mahabang listahan ng maanomalyang aktibidad at operasyon sa BOC at sanggang dikit din umano ng mga drug syndicate sa China at Taiwan.