Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 ospital sa NCR vaccine site ng mga menor de edad

0 70

Anim ospital sa National Capital Region Metro Manila ang gagawing pilot vaccination site para sa mga batang edad 12-17 na tuturukan laban sa COVID-19 simula sa Oktubre 15.

Tinukoy ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa press briefing sa Malacañang na kabilang sa anim na pagamutan ang Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe del Mundo Medical Center at Philippine General Hospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga nabanggit na hospital ay matatagpuan sa Maynila, Pasig, Taguig, Makati, Quezon City at Mandaluyong.

“Ang initial natin sa pilot is more or less, mga ilang libo lang muna for the meantime and then oobserbahan po natin. Kapag wala siyang side effects, adverse effect, major adverse effect ay itutuloy po natin,” ani Galvez. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.