Abante Tonite Interactive

6 pang kaso kay Garin sa dengvaxia mess

380

Sinampahan ng panibagong mga kaso sa Department of Justice (DOJ) si dating Health secretary Janette Garin at ilang iba pa kaugnay sa pagkamatay ng anim pang school children matapos maturukan ng anti-dengue vaccine Dengvaxia.

Sinamahan ng mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang mga magulang ng mga masawing sina Angela Pulumbarit, Maricel Manriza, John Marky Ferrer, Charmel Flordeliz, Jonell Dacquel at Kenchie Ocfemia para magsampa ng kaso sa DOJ.

Kabilang sa mga isinampang kaso ang reckless imprudence resulting to homicide sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code; torture resulting in the death of a person at torture committed against children sa ilalim ng Republic Act 9745, Anti-Torture Act of 2009; at sa paglabag sa RA 7394, Consumer Act of the Philippines, particularly, mislabeling of drugs and devices, liability for defective products, and liability for product at service imperfection.

Una nang sinampahan ng kaso ng mga kaanak ng mga nasawing bata na sina Aldred Aberia, Ana Lisa Silverio, Eira Mae Galoso, Leiden Alcabasa, Riceza Salgo, at Micaella Mainit si Garin.

Kabilang sa mga respondent sina dating Health officials Dr. Vicente Belizario Jr., Dr. Kenneth Hartigan-Go, Dr. Gerardo Bayugo, Dr. Lyndon Lee Suy, Dr. Irma Asuncion, Dr. Julius Lecciones, Dr. Joyce Ducusin, Dr.
Herminigildo Valle, Rosalind Viianzon at Mario Baquilod. (Juliet de Loza-Cudia)