Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 Paralympian ganado sa Tokyo

0 389

Mataas ang morale na magtutungo sa papasok na linggo sa Tokyo, Japan ang anim na para athletes upang sumabak sa 16th Paralympic Summer Games 2020+1 sa Agosto 25-Setyembre 5.

Ipinahayag Huwebes ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na tinriple na ang laki ng allowance mula sa P50K, P150K na para sa mga Paralympian, coach at mga official.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung nag-e-enjoy ka, mas maganda ang pulso mo,” wika ng opisyal sa PSC’s online People Sports Conversations.

Si wheelchair racer Jerrold Mangliwan (para athletics) ang magwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa opening ceremony habang si Ernie Gawilan (para swimming) ang toka sa closing ceremony. Kakasa rin sina para discus thrower Jeanette Aceveda, para swimmer Gary Bejino, para taekwondo jin Allain Ganapin at para powerlifter Achelle Guion. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.