Abante Tonite Interactive

6 patay sa wagas na pag-ibig na nilukuban ng panibugho

By
260

Biglang inundayan ng saksak ni Alberto si Palacios at dahil wala ng lakas para manlaban, napaluhod siya at nagsisigaw na hu­mingi ng tulong habang nagmamaka-awa sa salarin.

Narinig naman ng kanyang kinakasamang si Belcris Elorde ang sigaw ni Palacios kaya’t kaagad siyang lumabas sa condominium unit na kanilang tinitirhan at sa pasilyo niya nakita ang ka-live in na duguan ng nakaluhod sanhi ng tama ng mga saksak sa katawan.

Nang makita ni Palacios ang kinakasama, sinabihan niya ang ginang na pumasok sa kanilang unit at iligtas ang sarili mula sa kamay ng naga-amok na si Alberto subalit hindi niya ito pinakinggan sa pagnanais na matulungan ang kanyang kinakasama.

Nang pagbalingan ni Alberto si Belcris at undayan ng sunod-sunod na saksak, nanlaban ang babae at sinangga ang mga ulos kaya’t limang tama ng saksak kaagad ang tinamo niya sa kaliwang braso at isa sa kanang palad.

Hindi pa rin nasiraan ng loob si Belcris sa pagnanais saklolohan ang duguang si Palacios subalit nang mahagip ng dalawang saksak ang kanyang balakang, dito na siya nakaramdam ng sobrang kirot kaya’t ipinasiya niyang magtatakbo patungo sa exit door hanggang sa mahulog sa hagdan sa labis na pagmamadali.

Sa kabutihang palad, hindi na siya hinabol ni Alberto at sa halip ay nagpasiyang umakyat sa susunod na ika-17 palapag kung saan niya nasalubong ang 12-anyos na Grade 6 pupil na si Daisery Castillo na noon ay pauwi pa lamang galing sa kanilang paaralan.

Walang kamuwang-muwang ang bata sa nangyayari at patuloy pa sanang maglalakad patungo sa kanilang unit nang masalubong niya si Alberto na may dalang duguang patalim

Dito na tinangka ni Daisery na magtatakbo sa labis na pangamba sa kanyang buhay patungo sa kanilang unit subalit nahablot na ni Alberto ang kanyang buhok at inundayan ng walong sunod-sunod na saksak sa dibdib, mukha at braso.

Tinapos ni Alberto ang pangarap ni Daisery sa kanyang murang edad na maging isang ma­nager ng isang malaking bangko balang araw habang masigasig na nag-aaral sa Juan Sumulong Elementary School sa Pasay city kung saan isa siyang consistent honor student.

Labis ang naging pagdadalamhati ng ina ni Daisery na si Grace na isang single mother lalo pa’t ang matalino niyang anak ang pinaka-panganay at nagsisilbing ring tagapag-alaga sa dalawa niyang kapatid na may edad na 8 at 9 kapag nasa trabaho bilang massage therapist ang kanilang ina.

Si Belcris naman ay naisalaysay pa kay SPO2 Joel Landicho, ang isa sa mga imbestigador ng Pasay City Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) na habang nagaganap ang malagim na insidente, lumabas din ng kanilang unit ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Abegail.