Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 Pinoy kawatan timbog sa US

0 423

Pinosasan ang anim na Pilipino, kabilang ang isang pulis, na sinasabing sangkot sa organized theft ring sa Las Vegas, Amerika.

Ayon sa Fox 5 report, nasa 30 pagnanakaw ang nagawa ng mga suspek simula Marso 2021 at nitong Mayo sila nadakip.

Kinilala ang anim na sina Alejandro Dela Cruz, 40; Ed­ward Silvestre, 50; Enrico Ronquillo, 41; Kristine Quijano, 30; Ranjit Quijano, 29; at Samuelito Quijano, 34.

Nahaharap sila sa mga kasong burglary, conspiracy to commit burglary at organized retail theft.

SM food to go Banner Ad

Taong 2017 umano nang maging miyembro si Samuelito ng Las Vegas Metropolitan Po­lice Department.

Mayo 2 nakatanggap ng report ang mga awtoridad mula sa isang home depot store sa Las Vegas tungkol sa isang grupo ng mga magnanakaw na ang tinatarget ay mga store.

Napaulat na gumagamit ang mga suspek ng mga nakaw na credit card para bumili ng mga item at kalaunan ay isosoli ang credit card sa may-ari kapalit ng pera. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.