Abante Tonite Interactive

6 pulis-Caloocan sinibak sa hulidap

By , ,
2,073

Dinisarmahan at sinibak sa puwesto ang anim na pulis ng Caloocan City na isinasangkot sa hulidap ng apat na mi­yembro ng isang transport group sa nasabing siyudad noong Abril 28, 2018.

Sa pamamagitan ng text message sa TONITE ni Supt. Ferdie del Rosario, deputy chief of police for administration ng Caloocan Police, nabatid na ipinag-utos agad ng kanilang hepe na si Sr. Supt. Restituto Arcanghel ang pagsibak sa anim na pulis na umano’y nakatalaga sa Bagong Barrio Sub-Station 1.

Gayunpaman, nais ng opisyal na magtu­ngo sa kanilang tanggapan ang mga complainant para pormal na magharap ng reklamo sa inaakusahang mga pulis.

“Mahigpit po ang aming chief of police sa mga maling gawain ng kanyang mga tauhan at hindi namin kukunsintihin ang ganyang mga gawain lalo pa’t makakasira sa imahe ng PNP,” ani Del Rosario.

Gayunman, hindi pa pinangalanan ang mga nasabing pulis na ini­rereklamo ng apat na miyembro ng transport group sa Caloocan. ­