Abante Tonite Interactive

6 pulis-Pangasinan kinasuhan sa pagkamatay ng 17-anyos DOTA player

By
0 174

Naghain ng kasong murder, planting of evidence at obstruction of justice ang ina ng pinaslang na 17-anyos na lalaki sa Pangasinan noong nakaraang taon, laban sa anim na pulis ng Rosales Municipal Police Station (RMPS), kasama pa ang isang doktor.

Nasawi sa isa umanong police operation ang anak ni Christine Pascual, habang pauwi ito mula sa pupuntahan sanang tournament ng Defense of the Ancients (DOTA).

Ayon kay National Union of Peoples’ Lawyer Atty. Maria Kristina Conti ang mga kinasuhan ay sina RMPS officer-in-charge Chief Insp. John Corpuz, PO2 Arvin Abella, PO2 Roy Sarmiento, PO2 Ronald Casareno, SPO3 Oliver Vingua, SPO1 Hilario Taquiqui Jr. at Dr. Adan Arlie Guieb.

Abante Hiring – IT dep

Sa isinumeting independent autopsy ng panig ni Pascual, makikita umano na ang tinamong tama ng bala sa kamay ng kanyang anak ay nagpapakita na dumepensa lamang ito. Salungat umano ito sa naging ulat ni Guieb mula sa Rosales Infirmary Unit na nagdeklara na dead on-the-spot ang biktima.

Nanindigan naman ang RMPS na ang pagkamatay ng menor de edad ay isang lehitimong police operation.