Abante Tonite Interactive

6 sa FX todas sa 10-wheeler

213

Umabot na sa anim ang nasawi habang malubhang nasugatan ang tatlo katao makaraang ­magsalpukan ang isang 10-wheeler truck at Tamaraw FX sa ­kahabaan ng Maharlika Highway, ­Barangay ­Bamban, ­Gumaca, Quezon, Sabado nang umaga.

Sa imbestigasyon ng Gumaca Police Office, ­posibleng nakatulog ang driver ng FX na naging ­dahilan para kainin nito ang linya at sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck.

Ayon kay Quezon Provincial Police Director Col. Audri Madrideo, kargado ng mga baka ang 10-wheeler truck na nagdulot ng pagkayupi ng FX kung saan nasawi ang driver at limang hindi pa nakikilalang mga pasahero ng FX na papunta sanang Bicol. Dinala naman sa Gumaca District Hospital ang tatlong nasugatan.

Nakakulong ngayon ang driver ng truck na si Gerome Villar at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property. (Vick Aquino)