Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 sakong palay ninenok kay tserman

0 179

Kasong qualified theft ang inihain kontra sa 3 salaring nagnakaw ng palay sa bodega ng kapitan sa Brgy. Ayos Lomboy, Guimba, Nueva Ecija noong Biyernes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Nueva Ecija, nakilala ang nagreklamong si Brgy. Captain Richard Gagelonia Soliman, 41, may-asawa, ng Brgy. Ayos Lomboy, Guimba.

Sa imbestigasyon ni PSSg Jay Ar Silao, alas-4:00 ng madaling araw nang nakawin nina Jaymark Curimao Cainglet, 22, ng Brgy. San Roque; Alyas Arden at Alyas Romel, kapwa ng Brgy. Bacayao, pawang sa bayan ng Guimba ang may 6 sakong palay na nagkakahalagang P6,270.00.

Tumayong testigo sa nakawan ang isang William Gagelonia Melegrito, 34, na nagsabing isinakay sa tricycle ang mga ninakaw umanong palay mula sa bodega ni Kapitan Soliman.

Sa mabilisang pagresponde ng mga pulis ay naaresto si Cainglet at pinaghahahanap ang 2 pang salarin dala ang mga ninakaw. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.