Abante Tonite Interactive

6 SEAG gold yaka ng obstacle team

132

Kumpleto na ang 16-man lineup ng Pilipinas Obstacle Sports Federation na sasabak sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

Bumubuo sa {H squad sina Kevin Pascua, Mark Rodelas, Sherwin Managil, Mervin Guarte, Jeffrey Reginio, Nathaniel Sanchez, Monolito Divina at Kyle Antolin para sa men’s division habang sina Rochelle Suarez, Milky Mae Tejares, Sandi Abahan, Glorien Merisco, Kaizen Dela Serna, Deanne Moncada, Kymille Rodriguez at Diana Buhler ang sa women’s side.

Ayon kay POSF president Atty. Alberto Agra, na isa sa mga bisita sa weekly Philippine Sportswriters Association sa Amerlie Hotel Manila sa Jorge Bocobo, malate, gagawin nila ang lahat para makapag-uwi ng hanggang anim na gold medal sa nalalapit na SEA Games.

Ito naman ang unang pagkakataon ng sport na makasama sa 11-nation biennial meet na mayroong men’s and women’s category sa individual 5km x 20 obstacles, 100mx10 obstacles at 400mx12 obstacles team assists at team relay.

Sinisigurado ng POSF na may lugar ang sports sa SEAG na malamang ay ganapin sa Sunken Garden ng University of the Philippines campus sa Quezon City.

“We are doing everything in training. The aim is to win all six gold medals in the SEA Games,” wika ni Merisco sa talakayang mga suportado ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor. (Aivan Denzel Episcope)