Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 suspek sa bentahan ng baril na-inquest

0 53

Isinailalim na sa inquest ang anim na suspek na sinasabing sangkot sa iligal na pagbebenta ng mga baril at spare parts ng baril sa Bulacan.

Ito ang sinabi ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Major General Vicente Danao Jr.

Aniya, ang mga nasabat na mga baril at spare parts nito ay hindi dapat na ibinebenta at itinatapon na dapat.

“Usually kasi ‘yan sinasabi nating disposal na ito kasi ito ‘yong beyond economical repair na firearms. Actually, hindi na dapat ginagamit ‘yan,” ayon sa hepe.

Matatandaan na noong Setyembre 8, pinasok ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar ang ware­house sa Sta. Maria, Bulacan, kung saan tumambad ang mga baril at spare parts nito.

‘Naka-chop-chop’ umano ang mga ito at tinitingnan kung anong mga bahagi pa ng mga baril ang puwedeng mabenta at mabuo bilang bagong baril.

Sinabi ni Danao na kabilang sa mga nakumpiskang baril ay M16, M14, Caliber 30 at 60 na tinaguriang mga sinaunang baril.

“Kaya pala ang daming nagbebenta ng firearms, binebenta nila online. Parang candy lang. Kung puwede ka pala bumili online, anybody can buy.”

Naniniwala si Danao na baka magamit ang mga armas sa darating na halalan o ng organized crime group o mga terorista. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.