Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 todas sa hagupit ni ‘Jolina’

0 77

Anim katao na ang napaulat na nasawi habang lampas 12,000 iba pa sa apat na rehiyon ang lumikas dahil sa paghagupit ng Bagyong Jolina sa bansa.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nasawi ang apat na mangingisda sa Santo Niño, Samar na sina Alejan­dro Solayao, 52; Sanieboy Ebayan, 39; Joseph Immas, at Benedicto dela Paz. Natagpuan sina Solayao at Ebay­an sa baybayin noong Martes habang nasawi naman sina Immas at dela Paz noong Miyerkoles ng umaga.

Samantala, isang obrero ang pumanaw sa pagguho ng lupa sa Twin Lakes sa Batangas kahapon.

Ayon sa Twin Lakes Estate Management, natabu­nan ng lupa ang bahagi ng isang temporary shelter kung saan nagpapahinga ang dalawang manggagawa habang lunch break. Hindi na nakaligtas ang isang trabahador at namatay habang ang isa naman ay maayos ang kondisyon.

Yumao naman si Jovert Manalo Garay nang lu­mubog ang kanilang bangka malapit sa Elephant Is­land habang pauwi sa Marinduque kahapon, ayon sa pulisya.

Samantala, iniulat ng NDRRMC kahapon na 2,753 pamilya o 12,213 katao na mula sa 65 barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Eastern Visayas ang apektado ng bagyo.

Sa huling update ng Pagasa, sinabi nitong humina na ang Bagyong Jolina mula severe tropical storm pa­tungong tropical storm.

Gayunman, inaasahan pa rin ang malakas na pag-ulan sa loob ng 24 oras kung saan ang ika-9 landfall ay sa Bataan, na inilagay na sa orange rainfall warn­ing. (Kiko Cueto/Tina Mendoza/Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.