Abante Tonite
Mabilis sa Balita

6 tulak laglag sa riles

0 232

Arestado ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang 6-katao sa ikinasang buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa may riles ng tren sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga nasakote ang pinaghihinalaang pusher ng shabu na sina Jefferson Mercado, 29, binata, tricycle driver, taga-Tondo at kasabwat na si Rosemarie Reyes, 27, dalaga, ng Quiapo, Maynila.

Gayundin ang apat na bumibili ng droga na sina Danilo Borja, 40; Randy Aquino, 35; Angelo Bulibuli, 20; at Denver De Jesus, 25, pawang taga-Tondo.

Sa imbestigasyon ng MPD-Police Station 7, alas-4:05 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa may riles ng tren malapit sa Batangas Street kung saan target si Mercado na isinumbong ng publiko na lantarang nagbebenta ng iligal na droga sa lugar.

SM food to go Banner Ad

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nakisabay sa ibang bumibili ng droga kay Mercado.

Kaagad namang inaresto si Mercado matapos ang transaksiyon.

Nakuha sa mga suspek ang apat hanggang 4.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P30,600. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.