Abante Tonite Interactive

60 pamilya nasunugan sa QC, bumbero nalapnos

251

By Dolly Cabreza

Tinatayang aabot sa 60 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog sa Barangay Bali­ngasa, Quezon City nitong Sadabo nang umaga.

Sa inisyal na report ng QC Bureau of Fire Protection (BFP), alas-8:30 nang umaga (Hulyo 13) nang sumiklab ang sunog mula sa isang kuwarto ng 2nd storey apartment na inuupahan ng pamilya-Eguia sa No.986-A. Bonifacio, Brgy. Balingasa, QC.

Dahil karamihan sa bahay ay gawa sa mga light material, mabilis na kumalat ang apoy at 25 tahanan ang naabo sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Agad namang sinugod sa ospital ang fire volunteer na nagtamo ng 2nd degree burn na si Jeremiah Villar, 31-anyos ng Caloocan City.

Nabatid kay FCI Sherwin Pinafiel ng fire inspection, ‘faulty electrical wiring’ sa kisame ng kuwarto ang sanhi ng sunog dahil doon namataang may biglang umusok na sinundan nang pagliyab ng apoy.

Makalipas ang isang oras ay naapula ang apoy at tinatayang P100,000 ang halaga ng mga ari-arian na naabo.