Abante Tonite
Mabilis sa Balita

60 rebelde sumuko

0 99

KASABAY ng National Heroes’ day, ipinagmalaki ng Philippine Army ang pagbibigay ng Kalayaan sa 60 dating rebelde mula sa terorismo.

Sa simpleng seremonyas sa Camp Capinpin sa Tanay sa Lalawigan ng Rizal, sinabi ni BGen Alex Rillera, Commander ng 202nd Brigade na may 57 sumuko na mga Mangyan mula sa Mindoro Island habang ang iba naman ay dating mga NPA terrorists na dating nag-ooperate sa CALABARZON.

Dagdag ni Rillera, ang tatlong dating rebelde ay sumuko sa Southern Tagalog Regional Party Committee Main Regional Guerilla Unit na main fighting unit ng NPA.

“Alias Ed, alias Willy and alias Bong decided to turn their backs from the underground movement on Aug 24 after a series of local peace negotiations held in Brgy Pandan of Real town which were spearheaded by Quezon s Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict or PTF ELCAC,” sinabi ni BGen Rillera. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.