Abante Tonite
Mabilis sa Balita

600 Aeta naipit sa bakbakang NPA, militar

0 224

Pwersadong lumikas mula sa kanilang bahay ang nasa 600 na miyembro ng Aeta community dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa San Antonio, Zambales.

Nakatira ang mga lumikas na mga Aeta sa Sitio (sub-village) Lumibao sa Barangay (village) Buhawen.

Simula pa noong Agosto 20, Huwebes, ay pansamantalang nanunuluyan ang mga Aeta sa isang covered court sa Barangay Aglao.

Ayon kay Mayor Elvis Soria, ito ang resulta ng bakbakan ng dalawang kampo. Dagdag ni Soria, isang sundalo na ang napatay sa bakbakan.

Isang medical team naman at mga kawani ng lokal na pamahalaan ang nangangalaga ngayon sa mga Aeta.

Tiniyak naman nila na naipapatupad ang mga health measures laban sa Covid 19. (Kiko Cueto/Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.