Abante Tonite Interactive

600K nude photo, video ng mga batang Pinoy binenta online

399

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros ang pagpasa ng mas mahigpit pang mga batas kontra child trafficking.

Inihayag ito ng mambabatas kaugnay sa ibinunyag ng isang child advocacy group na mahigit 600,000 hubad na larawan at video ng mga batang Pinoy ang kumalat online noong 2018.

Ang nasabing bilang ay 1,300 porsiyentong mas mataas kumpara sa 45,645 kaso na naitala noong 2017 at 37,715 noong 2016 batay sa datos na inilabas ng Child Rights Network (CRN).

Ayon kay Hontiveros, kailangang maipasa ang iba’t ibang batas para mapangalagaan ang kabataan laban sa pang-aabuso.

Sa kasaluku­yan, may mga umiiral nang batas laban sa child abuse at trafficking, pornography at iba pang uri ng pang-aabuso at diskriminasyon pero inihayag ng CRN na walang malinaw na depinisyon ang mga batas hinggil sa online sexual exploitation sa kabataan.