Abante Tonite
Mabilis sa Balita

61 tsuper, operator positibo sa PDEA drug test

0 129

Bistado sa isinagawang nationwide random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 61 tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan na positibo sa droga.

Sa ulat ng PDEA kahapon, isinagawa umano ang random drug test noong Biyernes sa ilalim ng programang Oplan Harabas kung saan mahigit 4,000 tsuper at operator ang sumailalim sa pagsusuri.

Sa 61 na nagpositibo sa ilegal na droga, 20 ang tricycle driver, 10 ang tsuper ng dyip, 11 ang bus driver, pito ang drayber ng van, lima ang konduktor at isa ang dispatcher.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, patunay ito na mayroong gumagamit ng droga sa mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.

“There is no doubt that there is a prevailing practice of drug use among the public transport driving population to keep awake while behind the wheel,” pahayag ni Villanueva.

Hindi papayagang bumiyahe ang mga nagpositibo sa droga at kinumpiska na rin ang kanilang mga lisensiya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.