Abante Tonite
Mabilis sa Balita

611 malubha, kritikal sa COVID

0 43

Nakapagtala ang Department of Health ng 611 indibiduwal na malubha at kritikal sa COVID-19 nitong bisperas ng eleksiyon, Mayo 8.

Ayon sa DOH, kasalukuyang naka-admit sa mga ospital ang nabanggit na mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus infection.

Samantala, mula Mayo 2 hanggang 8 ay nasa 1,124 na bagong kaso ng COVID ang naitala sa buong bansa.

Habang ang average na bagong kaso kada araw nitong nakalipas na linggo ay umabot lang sa 161 na mas mababa ng 20 porsiyento kung ikukumpara sa mga naitalang kaso noong Abril 25 hanggang Mayo 1.

SM food to go Banner Ad

Sabi pa ng DOH, mayroon namang naitalang 42 na namatay kung saan walo sa mga ito ay nangyari mula Abril 25 hanggang Mayo 8.

Ipinahayag pa ng DOH na higit 68 milyong Pinoy na o 76.04 porsiyento ng target population ang bakunado na laban sa COVID. Nasa 13.4 milyong indibiduwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shot.

“Sa kabilang banda, 6.7 milyong senior citizen o 77.12% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series,” ayon pa sa DOH.

Leave A Reply

Your email address will not be published.