Abante Tonite Interactive

613 huli sa anti-crime operation ng EPD

By
1,148

Umaabot sa 613 pasaway ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang anti-crime operations kamakalawa hanggang kahapon ng umaga.

Batay sa report na nakalap sa tanggapan ni EPD Director Chief Supt. Alfred Corpus, umabot sa 47 katao ang inaresto na pa­wang mga lumabag sa Revised Penal Code habang nasa 566 naman ang nahuling lumabag sa City Ordinances na ipinatutupad ng Pasig, San Juan, Mandalu­yong at Marikina.

Nasa 566 ang inaresto ng mga tauhan ng EPD sa paglabag sa city ordinances kabilang na ang anti-smoking, physical injury, half naked, littering, drinking in public, sleeping in public, curfew to minors at da­lawa ang inaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Nasa 24 katao naman ang inaresto sa kasong paglabag sa illegal drugs, nasa 14 ang illegal gambling, tatlo sa physical injury, isa sa robbery & theft at lima ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest.

Umaabot naman sa 43 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng droga ang nakumpiska ng EPD team kasabay ng P1,300 buy-bust money habang nasa P269 betting money ang nakuha sa illegal gambling.

Patuloy ang simultaneous anti-crimina­lity operations ng EPD para tuluyang maubos at mabigyan ng leksyon ang mga pasaway na re­sidente.