Abante Tonite
Mabilis sa Balita

616 personnel ng Coast Guard nagka-virus

0 335

Umabot na sa 616 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni PCG spokesman Commodore Armand Balilo sa isang radio interview. Sa nasabing bilang, 330 personnel naman ang nakarekober na sa nasabing sakit. Dagdag nito, bantay-sarado ng Department of Transportation ang kaligtasan ng mga tauhan ng PCG sa pagsisiguro ng COVID-19 testing at mga personal protective equipment.

Ang PCG ay kabilang sa frontline laban sa COVID-19, na nangasiwa sa pag-aasikaso ng mga repatriated Filipino seafarer sa mga quarantine site. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.