Abante Tonite
Mabilis sa Balita

624 ASF outbreak naitala sa `Pinas

0 55

Nasa 624 outbreak ng African Swine Fever (ASF) ang iniulat ng Pilipinas sa World Organization for Animal Health o OIE simula nang inamin ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nakarating na ito sa bansa noong Hulyo 29, 2020.

Hindi pa iniuulat ng Pilipinas sa OIE ang outbreak sa Visayas, partikular sa Leyte na tinamaan ng ASF noong Enero.

Sa Luzon, 600 outbreak ang iniulat ng Pilipinas at ang huling report sa OIE ay noong Nobyembre 25, 2020 na tungkol sa outbreak sa Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa Mindanao, ang unang outbreak ay nangyari noong Enero 29, 2020 na iniulat ng Pilipinas sa OIE ng Pebrero 2, 2020 sa Davao at umabot na ito sa Cotabato, at Sarangani.

Ang huling iniulat na outbreak sa Mindanao ay noong Setyembre 28, 2020. Nasa 24 lamang ang iniulat na outbreak sa Mindanao.

Lingguhan dapat ang pagsusumite ng follow-up report sa mga ASF outbreak sa OIE at nakatutulong din ito sa mga awtoridad sa sarili nilang monitoring ng pagkalat ng ASF sa isang lugar para madaling malalaman kung epektibo ang ginawang mga hakbang.

Ang report na isinumite ng Pilipinas sa OIE ay noon pang September 28, 2020 at ang bilang ng mga baboy na iniulat na namatay sa Luzon ay 72,527 at 4,390 lamang sa Mindanao.

Sinasabi ng Department of Agriculture (DA) na nasa 500,000 lamang na baboy ang tinamaan o pinatay sa bansa dahil sa ASF.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.