Abante Tonite
Mabilis sa Balita

634K binakunahan kontra polio

0 170

Umaabot na sa 634,000 na mga batang may edad lima pababa ang nabakunahan ng polio vaccine sa ilalim ng programang Sabayang Patak Kontra Polio ng Department of Health (DOH) na nagsimula nitong Lunes.

Bases sa DOH briefing, sinabi ni Dr. Abdullah Dumama Jr. Undersecretary ng Health, Field Implementation and Coordination Team of Visayas and Mindanao, target na mabakunahan ang humigit kumulang 3.5M bata sa Mindanao.

Apela ng ahensya sa mga magulang, pabakunahan ang kanilang mga anak, kaakibat ng pagsigurong ligtas ang vaccine. Ayon kay Dumama, may nakitang circulating polio virus sa waterways ng Maynila at Davao City. Tiniyak niyang inaaksyunan ng DOH ang polio upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.