Abante Tonite
Mabilis sa Balita

64-anyos mommy 3 oras niluray

0 746

DUMANAS ng tatlong oras na impiyerno sa kamay ng sariling drug addict na anak ang 64-anyos na ina nang paulit-ulit siyang gahasain kamakalawa ng madaling araw sa Taguig City.

Mahimbing nang natutulog sa loob ng silid ng kanilang bahay sa Brgy. Calzada-Tipas ang biktimang itinago sa pangalang “Gina” nang biglang pasukin ng 39-anyos na anak na umano’y lango sa droga at puwersahang kinaladkad ang ina patungo sa kanyang silid dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Ginamit umano ng adik na suspek ang lakas upang paulit-ulit na halayin ang sariling ina sa loob ng tatlong oras bago tuluyang tinantanan kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na lumabas at patakbong nagtungo sa bahay ng anak na babae sa bayan ng Pateros upang humingi ng tulong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaagad na sinamahan ng babaing anak ng biktima ang kanyang ina sa barangay hall ng Barangay Calzada-Tipas para ipaalam ang ginawang kahayupan ng kanyang kapatid sa sarili nilag ina

Hindi nag-aksaya ng panahon ang mga tauhan ng Barangay Security Force at kaagad na dinakip ang suspek na hindi na binanggit ang pangalan upang maprotektahan ang pagkakakilanlan sa biktima.

Ayon kay Taguig Police Chief P/Col. Celso Rodriguez, pasado alas-4 ng hapon kamakalawa nang dalhin ng mga tauhan ng barangay sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ang suspek at biktima para isailalim sa imbestigasyon.

Kahapon ay iprinisinta na para sa inquest proceedings sa piskalya ng Taguig City ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.