Abante Tonite
Mabilis sa Balita

64 college, university kasado sa face-to-face class

0 303

Inaprubahan ng Commission on Higher Education (CHED) ang limited face-to-face class ng 64 unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera III, tanging ang mga estudyante lang na naka-enroll sa medical at health allied program ang papayagan sa face-to-face class.

Saad ni De Vera mayroon pang mga pending na aplikasyon para sa face-to-face class, ngunit metikoloso aniya ang inspeksyon ng CHED kaya iilan pa lang ang nabibigyan ng approval.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I don’t have the exact figure as to how many are still waiting because under the CHED-DOH [Department of Health] Guidelines, the inspection, validation and approval of this is with the Regional Offices of CHED,” saad ni De Vera.

Matatandaan na noong Marso ay nagsimula nang mag-apruba ang CHED para sa limited face-to-face class, kung saan 24 higher education institution ang pinayagang magklase.

Leave A Reply

Your email address will not be published.