Abante Tonite
Mabilis sa Balita

64 madre, 50 pa nadale ng virus sa kumbento

0 45

Umabot sa 114 katao, na kinabibilangan ng 64 madre, sa Religious of the Virgin Mary sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kahapon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nabatid na 114 ang total cases ng nahawa sa COVID sa nasabing kumbento na matatagpuan sa 214 N Domingo St., Brgy. Kaunlaran sa lungsod.

Aniya, ang mga nagpositibo ay 61 madre, tatlong Registered Nurse Nun, 18 lay partner, 14 health aide, 13 caregiver, apat na driver, at isang Bachelor of Scienc­e in Nursing.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Cruz, 22 sa mga nagpositibo ang asym­ptomatic, 86 ang mild, apat ang moderate, at dalawa ang severe ang kondisyon na ngayon ay ginagamot na sa intensive care unit ng infirmary.

Wala pang ibinigay na detalye kung saan nagmula ang virus sa nasabing tahanan ng mga madre. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.