Abante Tonite
Mabilis sa Balita

65 pamilya sa Muntinlupa nasunugan

0 144

Nasa 50 bahay ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Cupang, Muntinlupa Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog ng alas-11:35 ng gabi, Abril 27 sa Aquino Damaso Compound sa Purok 2, PNR Site, Cupang.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula bandang alas-4:20 na ng madaling-araw ng Miyerkoles.

SM food to go Banner Ad

Bagamat 65 pamilya o 253 indibiduwal ang apektado sa sunog ay wala namang naitalang nasaktan.

Tinataya namang P1.4 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog habang iniimbestigahan pa ang sanhi nito. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.