Abante Tonite Interactive

6,587 evacuee tinamaan ng sakit sa Albay

By
1,426

Nasa 6,587 evacuee sa Albay ang tinamaan ng iba’t ibang sakit dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa nasabing bilang, 4,350 o 66 porsiyento ang dumanas ng acute respiratory infection (ARI) dahil na rin sa naranasang ashfall na ibinubuga ng bulkan.

Habang nasa 862 o 13 porsiyento naman ang may lagnat, 557 o walong porsiyento ang dumanas ng alta-presyon, 345 o limang porsiyento ang nagkaroon ng diarrhea at 290 o apat na porsiyento ang nagkasugat.

Pinayuhan ng DOH ang mga mamamayan na patuloy na magsuot ng protective cover gaya ng face mask upang hindi makalanghap ng abo.

Samantala, nag-donate naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 100,000 N95 dust mask sa lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay para magamit ng mga apektadong residente.