Abante Tonite
Mabilis sa Balita

66 OFW iuuwing bangkay

0 390

Nakatakdang dumating ngayong linggo ang 66 pang bangkay ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay sa Laging Handa briefing na may 66 bangkay na ang ilan ay nasawi dahil sa COVID-19 ang nakatakdang iuwi sa bansa sa Hulyo 19.

Nabatid na may 159 mula sa 274 bangkay ang kinakailangan pang maiuwi sa bansa.

Nalaman kay Tutay na noong Hulyo 10 ay dumating sa bansa ang inisyal na 49 bangkay mula sa Saudi Arabia.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.