Abante Tonite
Mabilis sa Balita

66 tomador timbog sa pista ng Sto. Nino

0 95

Umabot sa may 66 katao ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na lumabag sa ipinatupad na liquor Ban sa Tondo at Maynila kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto.Niño sa Tondo at Pandacan,Maynila.

Una nang ipinatupad ni Manila Mayor Isko Moreno ang liquor ban para mapigilan ang pagkalat ng COVID19.

Gayunman, may mga residente pa rin na matitigas ang ulo na nag inuman sa kabila ng ban sa alak. Kaugnay nito, naging mapayapa sa pangkalahatan ang ginanap na pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo Niño kahapon sa Maynila. Nabatid sa Manila Police District (MPD) na mahigpit ang pagpapatupad ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at shields, at pagsagot sa contact tracing forms. Sa ulat ng MPD nasa 3,000 lamang ang pinapayagan na makapasok sa bisinidad ng Santo Niño de Tondo Parish habang 300 lamang ang nasa loob nito. Sa Santo Niño de Pandacan Parish, nasa 300 tao lamang ang maaari sa bisinidad ng simbahan at 150 lamang ang pinapayagang makapasok sa loob kada misa. Wala naman naiulat na anumang kaguluhan sa pagdiriwang ng Kapistahan at wala rin ginanap na aktibidad maliban sa mga isinagawang banal na misa.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.