Abante Tonite
Mabilis sa Balita

675K dumoble,239K nagpalusot sa SAP – DSWD

0 278

Umaabot sa 675, 000 ang nakadoble sa ayudang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang 239,000 naman ang hindi kwalipikado na napagkalooban din ng social amelioration program (SAP).

“Medyo malaki ang duplicates na nakita. Mayroon tayong mahigit 675,000 na mga duplicates at mahigit 239,000 na mga ineligible,” DSWD spokesperson Irene Dumlao sa panayam sa radyo.

Hindi naman binanggit ni Dumlao, kung saang mga lugar nangyari ang pagkakaroon ng ‘duplication’ o mga di-kwalipikadong benepisyaryo na nabigyan ng ayuda ng ahensiya.

Pero giit niya, ang local government units (LGUs) na ang responsable para maipabalik ang naibigay na ayuda sa mga constituents nito na naka-doble at hindi benepisyaryo. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.