Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7-11 inararo ng motorsiklo

0 330

Sira ang pintuan ng isang convenience store nang araruhin ng isang motorsiklo sa Naic, Cavite.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ang kinakaharap ng driver ng isang kulay itim at puti na motorsiklong Rusi MC na si Danile Bayong, 24, binata, isang factory worker at residente ng Silangan St, Brgy Halayhay, Tanza, Cavite

Sa ulat ni PSSgt Anthony Macario, ng Naic Municipal Police Station, habang bumabaybay si Bayong gamit ang kanyang motorsiklo sa kahaban ng Brgy San Roque sa nasabing bayan dakong alas-9:15 kamakalawa ng gabi nang nawalan ng kontrol sa kanyang break at dire-diretso sa pintuan ng 7/11 Convenient Store Brgy San Roque branch.

Bukod sa nasirang pintuan ng 7-11, nasugatan din ang driver ngunit wala namang nasaktan sa loob ng tindahan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.