Abante Tonite Interactive

7-anyos nalunod sa swimming pool

229

Wala ng buhay nang maiahon sa swimming pool ang isang 7-an­yos na grade III pupil matapos na malunod kamakalawa nang hapon sa Aquatic Center pool sa Vitas, Tondo, Maynila.

Kinilala ni PMSgt Joseph Kabigting, ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Elmo Seanne Italia y Belmonte, ng No. 326 Malvar St., Tondo.

Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente dakong ala-1:12 nang hapon sa nabanggit na swimming pool.

Nabatid na nagkaya­yaan ang ilang kapitbahay at kaklase ng biktima na maligo sa swimming pool.

Dahil maraming naliligo sa pool, hindi umano napansin ng mga kasama ng paslit ang paglubog nito hanggang patay na nang lumutang.

Isinisisi ng mga magulang ng biktima ang kapabayaan umano ng may-ari ng swimming pool dahil wala man lamang kahit isang bantay para tumingin sa mga batang lumalangoy. (Juliet de Loza-Cudia)