Abante Tonite Interactive

7-anyos ni-rape ng tatay sa Bulacan

By
720

Kulungan ang binagsakan ng isang 41-anyos na ama makaraang ireklamo nang paulit-ulit na panggagahasa ng kanyang 7-anyos na anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa tuwing wala ang ina nito sa Marilao, Bulacan kamakailan.

Base sa report ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nahaharap ngayon sa kasong rape ang suspek na si Lejandro Gajo Matienzo, 41, driver at residente ng Marilao o na nakadetine ngayon matapos reypin ang kanyang anak na si ‘Ineng’ (hindi tunay na pangalan), grade school pupil.

Nabatid na huling naganap ang panggagahasa ng ama sa kanyang sariling anak noong Hulyo 10 dakong alas-nuwebe nang gabi habang ang biktimang paslit ay natutulog na sa loob ng kanilang bahay. Muli itong ginapang ni Matienzo at ginahasa.

Kaagad silang humingi ng tulong sa awtoridad at mabilis na nadakip ang suspek .