Abante Tonite Interactive

7-anyos niluray ng katrabaho ni tatay

568

Kalaboso ang isang 20-anyos na construction worker matapos apat na beses pagsamantalahan, ang isang 7-anyos na paslit sa loob mismo ng bahay ng biktima sa Sampaloc, Maynila habang wala ang kanyang mga magulang.

Nalaman lamang ng mga magulang ni Ashley, ‘di tunay na pangalan, ang panghahalay sa paslit nang mapansin nila ang kakaibang ikinikilos ng biktima.

Nang paaminin, sinabi ng bata na ang suspek na si Romeo Secretario ang gumahasa sa kanya na agad inaresto noong Sabado sa pinagtatrabahuang construction site.

Kinupkop umano ng mga magulang ng bata ang suspek at itinuring na parang kapamilya at ito raw minsan ang nagbabantay sa biktima at kapatid nito.

Ayon sa pulisya itinataon umano ng suspek na wala ang mga magulang ng bata para magawa ang krimen at ipinananakot umano nito sa biktima na ipapakagat siya sa ipis at binibigyan din ng pera at pagkain ang bata para hindi magsumbong sa kaniyang mga magulang.

Inamin ng suspek ang krimen at nagawa umano ito dahil sa kalasingan at nakagamit din ng droga.

Sasampahan naman ng kasong rape in relation to RA 7610 child abuse ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad