Abante Tonite Interactive

7 araw na Meralco brownout sa Luzon

423

Magkakaroon ng isang linggong power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang bahagi ng Metro Manila, Batangas, Laguna at Rizal province simula ngayon araw hanggang Hunyo 30.

Ayon sa Meralco, ito umano ay upang bigyan daan ang mga maintenance o pagkukumpuni na isasagawa sa mga nasabing lugar.

Nagpalabas naman ang Meralco ng schedule ng power interruption.

Sa San Lorenzo, Makati City sa Hunyo 30, 2019 sa pagitan ng alas-nuebe nang umaga at at alas-dos nang hapon. Apektado ang Ayala Ave., Dela Rosa St. hanggang sa Legaspi Village. Bahagi ng Ayala Ave.,Dela Rosa St. hanggang Salcedo St.

Maynila at Quezon City sa Hunyo 26 – 27, 2019 sa pagitan ng alas-11:30 nang gabi (Miyerkoles) at alas-12:30 nang hatinggabi at sa pagitan ng alas-singko nang madaling-araw at alas-5:30 nang madaling-araw (Huwebes)sa España Blvd. at Quezon Ave. mula Josefina St. sa Sampaloc, Manila hanggang G. Araneta Ave., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kasama ang Banawe Ave.

Mawawalan din ng kuryente ang Navotas City sa Hunyo 26, 2019 sa pagitan ng alas-otso nang umaga at alas-dos nang hapon
– Isda St. mula malapit sa North Bay Blvd. hanggang Radial Road 10 sa Brgy. North Bay Blvd South. Kasama ang Radial Road 10, Palengke St. at Brgy. North Bay Blvd North.

Sa Hunyo 29-30 ang Kapasigan, Pasig City simula alas-11:30 ng gabi (Sabado) at alas-4:30 nang madaling-araw (Linggo)sa Blumentritt St. hanggang Industria St.

Mawawalan din ng kuryente sa Matandang Balara, Quezon City ng alas-nuebe nang umaga at alas-kuwatro nang hapon sa Capitol Hills Drive mula Tandang Sora Ave. hanggang at kasama ang Capitol Hills Golf Subd.

Apektado rin ng brownout ang San Antonio, QC sa Hunyo 29, 2019, sa pagitan ng alas-nuebe nang umaga at alas-dos nang hapon.

Gayudin sa Sto. Tomas, Batangas at Los Banos, Laguna sa Hunyo 25, 2019 sa agitan ng alas-5:30 nang madaling-araw at alas-sais nang umaga.

Kasama ang Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Hunyo 24 ng alas-12:30 nang hatinggabi at ala-una nang mada-ling araw.

Mawawalan din ng supply ng kur-yente ang Morong, Rizal sa Hunyo 25, sa pagitan ng alas-10 nang umaga at alas-tres nang hapon sa Bautista at Raymundo Sts. mula Sitio Libis hanggnag at kasama ang Sitio Butig at Crystal East Subd. Phases 1-A & 1-H sa Brgy. Bombongan. (Juliet de Loza-Cudia)