Abante Tonite Interactive

7 arestado sa pagbebenta ng overpriced alcohol

428

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1 ang pitong katao dahil sa pagbebenta ng mga overpriced na alcohol sa isang pagsalakay kamakalawa ng hapon sa Tondo,Maynila.

Kinilala ng MPD-PS1,ang mga suspek na sina Rose Ann Gaddi y Bernardo, (agent),24 at residente ng 2117 Bato Ext., Brgy 150, Tondo; Cristina Samson y Tungcab, (leader/distributor), 34, taga 1913 F.Varona St. Brgy 95, Tondo;Antonio Samson Jr, driver ng tricycle pinaglagyan ng mga kahon ng alcohol, 36 ,at taga 1787 F.Varona St, Tondo; Joanne Alejandro y Balingit, (agent), at residente ng 413 Española St., Tondo; Andrea Nieves y Bernardo (agent), 22 at residente ng 2118 Bato Ext., Brgy 150, Tondo;Mary Jane Aliga y Laolao, 25 ,ay taga No. 762 Arqueros St., Tondo ;at Bob Cazzie Nellas y Santiago, 36 driver ,at taga 96 B Pasig Ext May Pajo Caloocan City.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act of 2020).

Naganap umano ang buy bust operation sa pagitan ng alas- 3:30 ng hapon at alas 9:50 ng gabi sa Kambal na Krus Church, Raxabago St., Cor Juan Luna, Tondo at sa Tayuman corner G Perpecto St. Brgy. 55 Tondo.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na kahon ng Family Brand alcohol na ang bawat kahon ay naglalaman ng 15 piraso na tig-isang litro ng alcohol, boodle money na P30,000 at 150 kahon ng isoprophyl alcohol (na 3.4 liters) at isang kulay asul na Mitsubishi Adventure may plaka NVB-192.

Una umanong isinagawa ang operasyon kay Gaddi,matapos na matanggap ang report ng Department of Trade of Industry(DTI) na nagbebenta umano ito ng overpriced isoprophyl alcohol ng walang kaukulang dokumento.

Nang maaresto si Gaddi at apat nitong kasabwat at habang nagsasagawa ng interogasyon ang pulisya ay tumawag si Aliga kay Gaddi at nag alok ng 200 gallon ng rubbing alcohol sa halagang P600 kada gallon at nakahanda na umano itong ideliver dahilan para muling magsagawa ng operasyon ang pulisya at madakip si Aliga at mga kasama nito.(Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad