Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 armadong grupo timbog sa Lanao del Sur

0 87

NASABAT ng pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulis ang pitong `lawless elements’ at nakuha pa ang kanilang mga armas at bala sa joint operation sa Sitio Super, Barangay Curahab, Lanao del Sur.

Sinabi ni Maj. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na ang joint operation ay isinagawa kasunod ng nangyari umanong harassment sa Barangay Bunkhouse sa Malabang.

Agad na nagtungo ang mga tauhan ng 1st Marine Brigade kasama ang mga personel mula sa Malabang Municipal Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company na ikinaaresto ng mga suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Alican Sarip, 42; Tataw Sarip, 34; Taop Rauf, 19; Jojo Marohom, 28; Naim Abdul, 33; Ryan Sarip, 18; at Faisal Dima, 31, pawang residente ng Malabang.

Nakuha sa grupo ang limang M16A1 rifles, isang 50 cal. Barret, isang M79 rifle; 2 cal. 45, 1 caliber 38 pistols; hand grenade at mga bala.

Ang naturang grupo ay kasapi ng Pakong Baladeg na siya umanong responsible sa harassment na nagsimula ng rido sa pagitan ng Marohom at Baladeg groups. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.