Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 bahay naabo sa pinaglaruang posporo

0 80

Pitong bahay ang nasunog dahil sa paglalaro ng posporo ng isang batang may problema sa pag-iisip.

Ang mga nasunog na bahay ay sa Purok 26, Upper Malagamot, Talahi Regner Brgy. Panacan, Davao City.

Sa ngayon ay pansamantalang nasa kapilya ang pitong pamilya.

Ayon sa paunang ulat, nag-ugat ang pagkalat ng apoy nang paglaruan ng batang may mental health problem ang posporo.

Nasa 30 indibidwal ang apektado umano sa nasabing insidente.

Sa kasalukuyan, patuloy ang evaluation ng City Social Welfare and Development Office sa nasunugang pamilya. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.