Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7-buwan gulang baby COVID survivor

0 306

Isang pitong-buwang gulang na sanggol na lalaki ang kabilang sa 11 pasyenteng gumaling sa COVID-19 sa Las Piñas City, ayon kay Mayor Imelda Aguilar.

Nasa mabuting kalagayan at makulit na uli ang sanggol na nagmula sa Bgy. CAA-BF International, gayundin ang 10 pang nagkasakit sa virus mula sa Almanza Uno Daniel Fajardo, Talon Singko, Pilar, Pamplona Dos at Manuyo Dos.

Sa record ng city health office, may 120 ang active case ng COVID-19 sa siyudad. Ayon kay CHO chief Dr. Ferdinand Eusebio, patuloy ang ginagawa nilang Expanded Targeted Testing at mas pinaigting pa ang screening at contact tracing sa mga residenteng posibleng nakasalamuha o na-expose sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, target nilang isailalim sa rapid at swab testing ang 200 katao kada araw upang matiyak ang seguridad sa kalusugan ng mga Las Piñeros ngayong panahon ng krisis. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.