Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 Chinese kidnapper kinalawit sa Parañaque village

0 268

Swak sa selda ang 7 Chinese national dahil sa kidnapping at serious illegal detention, matapos magkasa ng operasyon ang National Bureau of Investigation Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) Multinational Village, Paranaque City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric Distor ang mga suspek na sina Ni Lingkang, Hu Ruiguang, Xiao Hui Aka Xie Chun Hui, Xiao Zi, Xiao Ji, Ale Wong, at Alang Chen Hai Long na dinakip noong Agosto 3.

Ayon kay Distor, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagdukot sa 3 Chinese national at pagkulong sa kanila sa isang bahay . Nang makumpira, inabutan ng mga operatiba ang dalawa sa mga suspek na binabantayan ang 3 Chinese na puno ng pasa at galos sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kwento ng mga biktima, Agosto 2 ng hapon habang nasa loob ng kanilang bahay sa Betlehem St., Multinational Village, pumasok ang mga suspek at walang paliwanag na pinuwersa silang sumakay sa sasakyan at dinala sa isang bahay sa No.2 Judea Street sa loob din ng village.

Dito na sila binugbog at pinilit ng mga suspek na ibalik ang diumano’y pera na ninakaw sa kanilang boss saka kinulong sa bahay bago tuluyang masagip ng NBI.

Leave A Reply

Your email address will not be published.