Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 dedo sa trak, van, suv salpukan

0 58

Pito ang patay habang anim ang sugatan matapos ang magsalpukan ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang wing van 10 wheeler truck, hi-ace van at isang sports utility vehicle (SUV) kahapon ng hapon sa General Santos City.

Sa inisyal na ulat ng General Santos City police, alas-3:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Purok 4 National higway sakop ng Barangay Batomelong ng lungsod na ito.

Napag-alaman na sangkot ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Ford Raptor, Wingvan Truck at hi-ace van.

Lumalabas sa ulat na galing ng Davao City ang hi-ace van na may plakang NCC 3238 at patungo ng General Santos City lulan umano ang mga empleyado ng Tuna Exporters Multi-Purpose Cooperative o TEMPCO mula sa isang team building.

Pagdating sa Barangay Batomaleng ay pumutok umano ang gulong ng van na nasa kaliwang bahagi dahilan upang mawalan ito ng kontrol at tuloy-tuloy na sumalpok sa paparating na wing van 10-wheeler truck at pagkatapos ay masalpok din ang paparating na Ford Raptor.

Dahil sa pangyayari ay ilang pasahero ng van ang dead on the spot habang mabilis na isinugod sa

pinakamalapit na pagamutan ang ilan.

Kinumpirma naman ng pulisya na may pito nang patay sa aksidente habang anim pa ang sugatan.

Sa ulat naman ng General Santos City Traffic Enforcement Group, ilan sa mga nasawi ay kinilalang sina Ryan Jay Nuñez, Shiela Bantaculo at Regie Bag-ong, ng Brgy. Fatima, General Santos City.

Inalaam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang nasawi gayundin ang mga sugatang biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.