Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7-dekadang bahay sa Malabon gumuho, 28 pamilya apektado

0 167

Inilikas ang may 104 katao o nasa 28 pamilya matapos gumuho ang likurang bahagi ng pader sanhi ng patuloy na pag-ulan kung saan posibleng hindi na kakayanin pang makabalik ng mga residente, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Potrero, Malabon City.

Bandang ala-1:00 Biyernes ng madaling araw nang gumuho ang tinaguriang Blue House at agad na inilipat ang mga residente sa kalapit na simbahan at paaralan upang manuluyan pansamantala matapos magiba ang higit sa 72-taon o nasa 1950 na heritage house.

Ayon kay Barangay Potrero Ex-O Roldan Paragua, naging maagap sila sa paglilikas ng mga naapektuhang residente upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nanunuluyan ngayon ang mga naapektuhang 104 katao sa Mary’s Hall ng St. Peter and John Parish habang ang iba naman ay nasa Potrero Elementary School-Main. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.