Abante Tonite
Mabilis sa Balita

7 doktor sa Fabella hospital nadale ng coronavirus

0 142

Nagpasaklolo ang pamunuan ng Jose Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila matapos umanong madale ng COVID-19 ang ilan sa kanilang doctor.

Sa lumabas na ulat ay humihingi ng assistance sa Philippine Red Cross ang nasabing ospital para isailalim sa swab test ang tinatayang 180 nilang health workers matapos umanong magpositibo sa virus ang pito sa kanilang mangggagamot.

SM food to go Banner Ad

Sa ngayon ay hindi muna tatanggap ng mga bagong pasyente ang Fabella.

Sa naging abiso ng pamunuan ng ospital, pinayuhan nito ang mga bagong pasyente na sa iba munang pagamutan magpa-admit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.